Palatuldikan Ng Wikang Pambansâ

Palatuldikan ==> (Diacritical Marks) - ay gabáy sa marapat na pagbigkás at pagbaybáy sa mga salitáng Tagalog (a guide for proper pronunciation and spelling of the Tagalog words).

Malumay ==> - waláng tuldík ang mga patinig at kailangang mariín ang pagbigkás sa ikalawáng pantíg buhat sa hulihán ng salitâ (stress on the penultimate syllable of the word is a must), i.e., dalaga (lady), subalit (but), tahimik (quiet).

Malumì ==> - may tuldík na paiwà (`) at kinakailangang mariín ang pagbigkás sa ikalawáng pantíg buhat sa hulihán at paimpít ang tunóg sa hulíng patinig ng salitâ (it is necessary to put stress on the pronunciation of the penultimate syllable and with a glottal stop at the end of the word), i.e., batà (child), babà (chin), luhà (tears) Ang salitáng malumi ay laging nagtatapós sa patinig subalit iní-aalís ó pinapalitán ang tuldík kapág nagtatapós sa katinig, i.e., labì, labing manipís (lip, thin lip); lagì, laging maaga (always, always early); pawì, pawiin (wipe - noun and passive verb).

Mabilís ==> - may tuldík na pahilís (´) at kinakailangang mariín ang pagbigkás sa hulíng patinig ng salitâ (it is necessary to put stress on the pronunciation of the final syllable of the word), i.e., isá (one), malakí (big), bulaklák (flower).

Maragsâ ==> - may tuldík na pakupyâ (ˆ) at kinakailangang mariín ang pagbigkás at may paimpít na tunóg sa huling patinig ng salitâ (stress on the final syllable and a glottal stop at the end of the word is a must), i.e., sampû (ten), butikî (lizard), salitâ (word). Ang salitáng maragsâ ay laging nagtatapós sa patinig subalit iní-aalís ó pinapalitán ang tuldík kapág nagtatapós sa katinig, i.e., susô, susong Hapón (snail, Japanese snail); sampû, sampung beses (ten, ten times).

Mga Karagdagang Kaalamán (More Information):
1. Lahát ng salitáng may mariíng bigkás sa pantíg maliban sa hulihán ó ikalawá mulâ sa huliháng pantíg ay nilalagyán ng tuldík pahilís (any stressed syllables other than the penultimate and final syllables are indicated by an acute accent, i.e., sásama, páaralán, naglíliwalíw).

2. Ang impít na bigkás sa hulíng patinig ng mga salitáng malumì at maragsâ ay dahil sa pángsamantaláng págtigil sa huliháng bahagì ng pangungusap. Kung waláng pángsamantaláng pághintô, ang impít ay pinapalitán ng mahabang bigkás sa hulíng patinig ng salitâ (the final glottal stop of malumì and maragsâ words occurs before a pause, such as at the end of a sentence. When not followed by a pause, the final glottal stop is replaced by vowel elongation).

3. Ang mariín ó pináhabang bigkás sa patinig sa huliháng pantíg ng mga salitáng mabilís at maragsâ ay hindî kinákailangan kung ang nagsásalitâ ay pángsamantaláng tumítigil sa pagbigkás ng salitâ. Kung waláng pángsamantaláng pághintó sa mga salitáng mabilís, ang pináhabang bigkás sa patinig ay hindî na kinákailangan. Ang págpapáhabang bigkás sa patinig ng mga salitang maragsâ ay kinákailangan dahil itó ang pumápalít sa páimpít na bigkás sa hulíng pantíg ng salitâ (the stress on, or vowel elongation in, the final syllable of mabilís and maragsâ words is optional when followed by a pause. When not followed by a pause, there is no vowel elongation in the final syllable of mabilís words. In the case of maragsâ words, there is always a final vowel elongation since it replaces the last glottal stop).